Lalaking Nagprotesta, Nanggugulo Habang Nasa-talumpati Ang Pangulo, Dinakip - Controversial Files

Tuesday, June 12, 2018

Lalaking Nagprotesta, Nanggugulo Habang Nasa-talumpati Ang Pangulo, Dinakip


Arestado ang lalaking nagsisigaw ng 'Huwad na kalayaan' habang nag-speech si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kawit, Cavite kahapon.

Kinilala ang suspek na si Francis Rafael, 20-anyos dinakip siya matapos sumisigaw ng "Huwad na kalayaan" ayon pa sa statement ng pulis "The abovenamed suspect without permissions of the law, did then and there willfully, unlawfully and feloniously disturb, interrupt public order at the said occasion."

"Hayaan mo lang... Our Constitution guarantees freedom of the press, freedom of assembly, and free expression. I will just advise the law enforcement to just deal with them peacefully and [follow] maximum tolerance," ayon pa sa Pangulo.


Sa dami nilang nag-protesta, siya lang ang nadakip ang iba ay agad nakatakbo. Dinakip si Rafael kahit pa sinabihan ang mga pulis ni Duterte na "Hayaan mo lang" pero walang ipinakitang permit sa pag protesta kaya kakasohan si Rafael ng Article 153 of the Revised Penal Code.

"Karapatan, pero kailangan may kaukulang permit. Pero wala silang maipakitang permit kaya natin siya kakasuhan," ayon pa sa interview ni PO2 Mark Joseph Arayata.