President Duterte, posible daw mapatalsik bago matapos ang termino – CPP - Controversial Files

Saturday, June 30, 2018

President Duterte, posible daw mapatalsik bago matapos ang termino – CPP


Posible umanong mapatalsik sa pagka-pangulo ng bansa si Presidente Rodrigo Roa Duterte bago pa man matapos ang termino nito sa taong 2022.

Ito ang mariing sinabi ng Communist Party of the Philippines o CPP.

Sa isang pahayag na ipinalabas, iginiit ng CPP na “isolated” na ang pangulo hindi lamang sa loob ng bansa kundi maging sa international community.

Malaki umano ang posibilidad na mapatalsik sa posisyon ang pangulo sa pamamagitan ng malawakang kilos-protesta at iba pang pamamaraan.

Dagdag ng CPP, lalong lumalakas ang panawagan ng sambayanang Pilipino na paalisin sa Malakanyang ang pangulo dahil na rin sa kanyang mga desisyon at marahas na pagkilos.

Galit na rin umano ang taong bayan sa pangulo dahil sa hindi makatwirang implementasyon ng tax reform for acceleration and inclusion o Train Law, kampanya kontra illegal na droga, anti-tambay operations at counter-insurgency operations.

Gayundin ang malamyang tugon nito sa isyu ng agawan sa teritoryo sa West philippine sea.

Source: Remate