Babaeng gumawa ng pekeng account sa Facebook para makapanira ng kapwa, dinakip - Controversial Files

Saturday, October 6, 2018

Babaeng gumawa ng pekeng account sa Facebook para makapanira ng kapwa, dinakip


Timbog ng mga otoridad ang isang suspek sa loob mismo ng mall sa Cavite ang isang babaeng gumawa ng pekeng Facebook account at nangikil umano sa biktima nitong Linggo.

Nakilala ang suspek na si Geraldine Almano, 38 taong gulang.

Ayon sa biktimang si Jeaycel Barasan, nangikil umano si Almano ng P4,800 kapalit ng pag-deactivate niya ng pekeng Facebook account na nakapangalan sa biktima.

Binulgar din ng biktima dahil ang suspek ay dating kasintahan ng kanyang kuya.

Nang magkahiwalay sila doon na daw nagsimulang nanggulo ang suspek.

Gumawa raw ng Facebook account ang suspek gamit ang pangalan ng biktima at nag-post ng mga malalaswang salita.

Nagpadala rin daw ng mensahe ang suspek sa mga kaibigan at kaanak ng biktima gamit ang pekeng Facebook account.

Nagsumbong ang biktima sa pulisya, na siya namang nagplano ng entrapment operation.

Nang maiabot na ang marked money, inaresto na ng mga operatiba ang suspek.

Sa himpilan ng pulisya, hindi nagbigay ng pahayag ang suspek ngunit inilabas niya ang marked money.

Mahaharap ang suspek sa reklamong robbery extortion at paglabag sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act.



Source: Youtube