Dahil sa pamumuno ni Tatay Digong | Ito na ngayon ang Pasig River - Controversial Files

Friday, October 26, 2018

Dahil sa pamumuno ni Tatay Digong | Ito na ngayon ang Pasig River


Sa pagtutulungan, muling nabuhay ang Ilog Pasig. Ito ay sa pangunguna ng Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC), public and private sectors at komunidad na patuloy na tumutulong.

Kamakailan lang ay nasungkit ng Pasig River, sa pamamagitan ng the Pasig River Rehabilitation Commission o PRRC ang kauna-unahang 2018 Asia RiverPrize ng International River Foundation o IRF.

Ang IRF ang siyang kumikilala at nagbibigay parangal sa mga organisasyon na may kakaiba at epektibong pagtugon sa problema sa mga River basin at maipanumbalik ang likas na taglay ng mga ilog.

Ang parangal ay isinagawa kasabay ng 21st International River Symposium na ginanap sa Sydney Australia noong Oct. 16, 2018.

Gayunman, dahil sa pagsusumikap ng PRRC at Duterte administration sa river restoration and management efforts ay epektibong naibalik ang buhay ng Pasig River.


Kabilang sa mga programang ipinatupad ng PRRC ay ang mga dekalidad na mga proyekto, mga aktibidad at adbokasiya para mabawi ang ilang bahagi nito na sinaklawan na ng mga informal settler, nagpatupad din sila ng waste and water quality management, at public awareness.