Malcañang sinisiguradong kakasuhan ang mga nagpaplanong pabagsakin ang Duterte Administration - Controversial Files

Saturday, October 6, 2018

Malcañang sinisiguradong kakasuhan ang mga nagpaplanong pabagsakin ang Duterte Administration


Palasyo sinisiguradong kakasuhan ang mga nagpaplanong pabagsakin ang Duterte Administration.

At Siniguro ng Malakanyang na mauuwi sa pagsasampa ng kaukulang kaso ang susunod na hakbang ng gobyerno laban sa mga nagpa-plano ng destabilisasyon sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kabilang na dito ang ilang grupo sa mga unibersidad at mga nasa partido liberal na una nang idinawit sa 'Red October' ouster plot laban sa Pangulo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi rin lusot sa kaukulang kaso ang mga miyembro ng Liberal Party kung mapapatunayang totoo ito.

Giit ni Roque, nananatili ang pagsisiyasat sa mga intel report na may kaugnayan sa destabilization plot laban sa gobyerno, at sa sandaling may nakalap na matibay na ebidensiya laban sa mga personalidad tungkol dito, isusunod na ang pagsasampa ng kaukulang kaso.