Anak ni BuCor Chief Nicanor Faeldon, Kabilang Sa Mga Nahuli Sa Umano'y Drug Den - Controversial Files

Friday, December 14, 2018

Anak ni BuCor Chief Nicanor Faeldon, Kabilang Sa Mga Nahuli Sa Umano'y Drug Den

Isang Search Warrant Operation ang isinagawa ng mga operatiba ng Naga City Police Office kaninang bandang alas 2 ng madaling-araw sa Zone 2, Barangay Mabolo, Naga City kung saan subject nito ang residensiya ng isang Russel Bermudo aka Bubbles.

Nakarecover ang mga operatives ng 7 sachets ng pinaghihinalaang shabu kasabay ng paghuli sa suspect at isa pang sibiliyan na kasama nito sa nasabing pamamahay.

Nang imbistigahan ng mga operatiba ang mga nahuli, napag-alaman at iginagulat nila na isang NICANOR FAELDON, JR. ang pangalan ng kasama ni Bubbles na nahuli sa nasabing lugar.

Sa report ni RMN Naga DWNX RadyoMaN Paul Santos, kinumpirma ni Police Chief Supt Errol Garchitorena, Jr., Naga City Police Office Chief Intelligence Officer na anak nga ni BUCOR Chief Nicanor Faeldon, Sr. ang nahuli sa anti-illegal drugs operation. Ang pahayag ni Garchitorena ay base na rin sa pahayag ng isa sa mga suspect na siya mismo ang nagpakilala na anak siya ni BUCOR Chief NICANOR FAELDON, SR. kung saan ipinakita pa nito ang kanyang Voter’s ID kung saan makikita ang kanyang picture at pangalan.

Katwiran ni Faeldon Jr. na wala siyang kinalaman sa transaction ni Bubbles at nagkataon lamang na nandun siya sa lugar nang isinagawa ang operasyon dahil nga kasintahan umano nito ang anak ng pangunahing subject ng search warrant.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa panig ni BUCOR Chief Nicanor Faeldon, Sr. kung anak nga niya itong kasama sa hinuli kaugnay ng nabanggit na anti-illegal drugs operation ng mga operatiba ng Naga City Police Office.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa panig ni BUCOR Chief Nicanor Faeldon, Sr. kung anak nga niya itong kasama sa hinuli kaugnay ng nabanggit na anti-illegal drugs operation ng mga operatiba ng Naga City Police Office.

Source: RMN