Biyaheng Malabon-Taguig, binuksan na ng PNR - Controversial Files

Tuesday, December 4, 2018

Biyaheng Malabon-Taguig, binuksan na ng PNR


Personal na ininspeksyon ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang bagong bukas na Governor Pascual Station ng Philippine National Railways (PNR) sa Malabon ngayong araw, ika-3 ng Disyembre 2018.

Pinangunahan ng kalihim ang "soft opening" ng pinalawig na ruta ng Metro North Commuter (MNC) service ng PNR, na ngayo'y abot na hanggang sa Lungsod ng Malabon.

Apat na biyahe ang bukas araw-araw para sa ruta mula Tutuban, Maynila hanggang Gov. Pascual sa Malabon at pabalik, habang may walong biyahe naman mula Gov. Pascual hanggang FTI Station sa Taguig kada araw.

Para sa rutang Gov. Pascual-FTI, PhP25 ang pamasahe sa mga air-conditioned na bagon, habang PhP20 naman sa non-air conditioned trains.

Nilinaw ng kalihim na magsisilbing dry run muna ang pagbubukas ng extended train route dahil patuloy pa ang pagpapaganda ng serbisyo ng naturang tren.


“Minadali po namin ito upang maramdaman ng mga taga-Malabon ‘yung matagal nang pinakaaasam-asam na transportasyon ng riles. Ito ho ang regalo ng ating Pangulo sa mga mamamayan ng Malabon,” ani Secretary Tugade.

No comments:

Post a Comment