Kabataang lumad, inamin na pag-aaklas ang tinuturo sa kanila ng mga guro - Controversial Files

Monday, December 3, 2018

Kabataang lumad, inamin na pag-aaklas ang tinuturo sa kanila ng mga guro


Isang kabataan, dise otso anyos mula sa Davao del Norte pinatotohanan na totoong iba ang tinuturo sa kanilang paaralan.

Pag-amin ni Asenad Bago sa TV interview ni Tina Monzon-Palma, pag walang pasok ay dinadala sila ng mga guro sa posting ng mga NPA. Doon ay tinuturuan silang gumamit ng mga armas at kung paano umatake sa AFP detachments.

Saad ni Bago, pananaw niya sa kanilang ginagawa ay “sinisira nila ang gobyerno”.

Pagsisiwalat pa ni Bago, mismong ang Bayan Muna party list nag-uutos sa kanila an pumunta ng Davao upang magprotesta.

Kaugnay pa rito, inuutusan umano silang magprotesta patungkol sa Kidapawan at ipinapasigaw sa kanila na paalisin ang mga militar.

Dagdag pa niya, tumakas siya sa paaralan mula ng mamulat siya na mali ang pinapagawa sa kanila.

Ibang version rin ng Lupang Hinirang ang tinuturo umano sa mga kabataan roon. Maririnig sa kanta na may pagkakahalintulad, ngunit iba pa rin ang liriko nito.

Na-ungkat ulit ang isyung pag-rerecruit ng mga NPA sa mga kabataang lumad matapos mahuli ang grupo nina dating bayan muna partylist representative Satur Ocampo na dala ang mga 14 kabataang lumads.



Nakasuhan sina Ocampo, Act Teachers Partylist Representative France Castro at iba pang kasama nila ng kidnapping at trafficking dahil malinaw umano na walang pahintulot ang mga ito na dalhin ang mga bata.

Mismong mga magulang ng mga bata na mismo ang umalma at nagreklamo dahil sa pagkawala ng mga bata.

Sa kabila ng kanilang kaso na non bailable, pinayagan sila ng korte na makapagpiyansa.

Itinanggi naman ni Ocampo ang alegasyong nire recruit ang mga kabataan para lumahok sa NPA o New Peoples Army.

Paliwanag pa nito na kung may mga lumads mang sumasapi sa NPA, siguradong hindi sila menor de edad.

Source: VOVph

No comments:

Post a Comment