Liberal Party, Hindi Kayang Talunin ng Ibang Partido - Kiko Pangilinan - Controversial Files

Saturday, December 8, 2018

Liberal Party, Hindi Kayang Talunin ng Ibang Partido - Kiko Pangilinan

Kumpiyansa si Senador at Liberal Party president Kiko Pangilinan na walang makakatalo sa kanilang Partido na LP. Ito ay sa oras na muling tumaya sa kanila ang taumbayan.

Sa ginanap na forum sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ni Pangilinan na kapag nakuha muli nila ang taumbayan sa kanilang panig ay hindi na mapipigil ang pagbabalik ng LP sa dati nitong porma.

Pero sa kabila nito ay inamin din ni Pangilinan na ang LP ngayon ay sadyang lugmok at tanging anino na lamang ng kanilang nakaraan matapos lumiit ang kanilang bilang at abandonahin ng kanilang mga miyembro.

Kaya naman kasama ang Project Makinig ay patuloy ang ginagawang pagpapalakas ng kanilang Partido para maibalik sa dati nitong lakas para narin aniya sa kapakanan ng taumbayan.

Kumpiyansa din si Pangilinan na sa pamamagitan ng Project Makinig ay makakalapit sila sa publiko at muling diringgin ng taumbayan.

Source: RMN