Tatlong Badjao Na Sumakay ng Jeep Kahit May Pamasahe, Pilit Pinababa ng Driver - Controversial Files

Sunday, December 9, 2018

Tatlong Badjao Na Sumakay ng Jeep Kahit May Pamasahe, Pilit Pinababa ng Driver

Maraming netizen ang hindi sumasang-ayon sa ginawa ng isang jeepney driver dahil pilit pinababa ang tatlong pasaherong Badjao kahit may pamasahe naman daw sila pero hindi nakikinig ang driver sa kanilang sinabi.

Ayon pa sa driver na makikita sa video gusto niyang pababain ang mga badjao dahil hindi daw ito magbayad kung sasakay sila sa mga Jeep at bigla nalang daw bababa. Pero sabi naman ng isang babaeng badjao na may kandong na anak na magbabayad naman daw sila at may pamasahe daw sila.

Pero walang nagawa ang mga badjao at pilit parin silang pinababa ng driver.